Alamat Ng Bulkan Mayon


ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON
Noong una panahon may isang alamat na nag mula sa kahariang Albay. Dito matatagpuan ang makapangyarihan pinuno na Raha Makusog, Siya ay may anak na dalaga na Si Daragang Magayun, na ang ibig sabihin ay magandaNG dalaga. Umabot sa malayong pook ang pagkakakilala sa princesa, kaya naman maraming tanyag na binata ang nais mag alay ng pag-ibig kay Magayon, naglalakbay pa sila ng malayo masilayan lamang ang kagandahan ng dalaga. Isa sa mga nabighani ni Daraga Magayun ay ang anak nang isang Raha naa pangalan ay Pagtuga galing pa sa malayong bayan ang ginoo para maghandog ng mahahalagang kayaman katulad ng ginto, ngunit tinangihan ito ng dalaga sa rason na hindi lang ito ang kanyang hinahanap sa Isang ginoo, sa kabila nang patangi nang dalaga buo parin ang loob ni Pagtuga na mapapa-ibig niya si Magayon. Sa kabilang dako nang karagatan ay nabalitaan ng binatang si Alapaap, anak ng Isang Lakan. Magalang, matipuno, at may mabuting intensyon na dumayo pa papunta sa Bikol para lamang hanapin si Daragang Magayon nagmasid si Alapaap sa lugar kung saan may nkapagsabi na madalas napaparoon si Daragang Magayun. Sa ilog raw na ito ang paboritong puntahan ng dalaga, nagkataon na sakanyang pag hahanap may nakita sya babae na nahulog sa ilog dali dali siyang tumalon sa ilog para sagipin ito. Nang masagip nito si Magayon ay dinala niya ito sa may mababaw na parte at sinubukang gisingin, hoindi kalaunan ay nagising si magayon "sino ka hindi kita Kilala" bungad ni Magayon ng magkaroon na ito ng malay. Lubos ang saya ni Alapaap ng masilayan nya ang kagandahan ng dalaga "Daragang Magayun ako si Alapaap, naglakbay mula sa malayong lugar upang makita ka lamang" sinuotan nya ito nang balabal at binigyan nang bulaklak simula noon ay lagi na niyang dinadalaw si Daragang Magayon. Tuloyang nagkakilala ng lubusan ang dalawa at nagdesisyon na mag isang dibdib ngunit may inaalala si Magayon, kailangang malaman ng kanyang ama, sinabi naman ni Alapaap na huwag siyang mag alala ipaalam naman natin sa kanya at hihingi ako ng basbas sa kanya upang mahingi ng maayus ang iyong kamay. Ngunit sa pagbalik ng dalawa nakaabang si Pagtuga ibinalita niya ayun sakanya espiya ay nasubaybayan nila ang dalawa binihag ni Pagtuga si Raha Makusog at sinabing " pakakawalan niya lamang ito kung mapapasakaniya ang dalaga" pumayag ang dalaga upang mailigtas ang ama. Makalipas ang ilang araw sa siremunya nang dalawa ay dumating si Alapaap upang iligtas si Magayon sa kamay ni Pagtuga, hinamun nya ito sa isang duwelo. Naglaban ang dalawa walang nais magpatalo, parehong magaling sa paghawak ng kanilang mga sandata. Parehong sugatan ang dalawa, ngunit mas maraming natamong sugat si Alapaap dahil pati ang kanyang mga kawal ay nakalaban pa nito. Sa hindi inaasahang pangyayari ang patalim na dapat tatama sa dibdib ni Alapaap ay sinalo ni Magayon, tuluyang nanghina ang katawan nito at namatay. Dahil ditto ay nagalit ng husto si Alapaap, napatay niya ang lahat ng kawal ni Pagtuga. Nang siya na lang ang nag-iisang nakatayo ay doon niya naramdaman ang pagod at sobrang sakit ng katawan. Sa labis na pagmamahal niya kay Magayon ay pati sa kamatayan ay sinamahan niya ito. Nang mailigtas ng mga kawal ni Alapaap ang ama ni Magayon ay dali dali itong pumunta sa kinaroroonan ng dalawa. Nakita niyang nakahandusay at wala ng buhay ang dalawa habang magkahawak ang mga kamay nito. Inilibing nila si Magayon at Alapaap ng magkasama. Napansin ng mga tao sa kanilang bayan na ang lugar kung saan inilibing ang dalawa ay unti unting tumataas at nagkakaroon ng hugis. Ito ay bumuga ng maraming lava sa loob ng mahabang panahon at nagging dahilan upang mas lumaki pa ito ng lumaki. Nabuo ang malaking bulkan na matatagpuan sa bayan ng Albay isang napaka ganda at napakalaking tanawin na tinatawag na "bulkan magayun" at sa tuwing ito bumubuga nang lava at mataas na usok tila makikita ang magkasintahan na si Alapaap at Daragang Magayun na mag kayakap isang paalala na nagmamahalan ang dalawa na sa haba ng panahon ay nagpapatunay nang kanilang pag mamahalan ay hindi man lang kumupas. Ang Bulkan Mayon ay matatagpuan sa lalawigan nang Legazpi,Albay tinatawag ito na Bulkan Magayun na ang ibig sabihin ay magandang bulkan na nanggaling sa pangalan ni Daragang Magayon.

Comments